Monday, September 29, 2008

Sooo Drama

hayy.. (the deepest sigh i've ever done so far) bakit kaya ganun ang hirap. nahihirapan ako. pero bakit kaya? hindi ba pwedeng ibalik yung dati? sabi niya pwede naman daw. kung pwede nga sana mabalik na lang yung dati. pero napaka-imposible kasi nagbago na ang lahat. at ayon nga sa favorite kong kanta sa ngayon, "The only thing certain is everything changes, the lows and the highs and all those goodbyes..."everything changes talaga. at ang hirap magadapt. sobrang hirap. lalo na kapag maaalala mo yung dati na masaya, na perfect, na parang walang problema. haayyy nako naman ayoko pa naman ng ganitong feeling. akala ko ba adolescence lang ang may role confusion, bakit pati ako eh young adult na ako ay josko naman ilang araw na lang tatanda na naman ako. huhu kung pwede lang umiyak ng isang buong araw na tuloy tuloy gagawin ko, basta the next day hindi na ako iiyak. ang hirap naman umiyak ng maiiksing time pero halos everyday umiiyak. hindi kaya magandang hobby ang pag-iyak. baka maglead eto sa major depression ha. i need therapy na ata. alam mo ba yung feeling na gustong gusto mong yakapin yung isang tao pero kahit na anong gawin mo di mo yun magagwa kasi wala naman siya? alam mo yun ha? nafeel mo na ba yung iniisip mo yung isang tao tapos maiisip mo kung iniisip ka niya? nakakainis yung ganun noh. kahit na anong gawin mong pagpapakasaya, pagiging busybusyhan hindi eepekto. nahihiya naman ako sa mga kaibigan kong humihingi sa akin ng advices. bakit kaya gnun kapag sa ibang tao ang galing ko magadvice, magpalakas ng loob, pero ako wala hinang hina na hindi ko pa matulungan sarili ko. nanghihina na talaga ako. minsan ayoko na magising. tapos makakarinig ka pa ng lecheng emo song. parang inuudyok kang magsuicide eh. bakit ba ganto na naman ako. akala ko nalagpasan ko na yung gantong feeling. akala ko buo na ako pero parang basag parin. nasan ba ang mga diyosa at mga bathala. do i sound crazy already? or you're feeling the same way? gusto ko magbakasyon sa isang lugar kung saan ako lang ang tao. para magnilay-nilay at pagisipan ang mga bagay-bagay. marami akong kaibigan pero feeling ko wala. meron naman akong boyfriend pero bakit ang lungkot. naku naman talaga, ang sarap magmura pero since nag-promise na akong iwasan yun pipigilan ko na lang. hanggang leche na lang. so leche leche leche talaga. ayoko ng mga gantong kadramahan eh. pero gusto kong ilabas. kahit na magmukhang ewan sa ibang tao. bakit ba feeling ko ako lang mag-isa. bakit kapag may kasama ako todo ako tumawa pero kapag mag-isa umiiyak naman. hay naku naman. sarili kong pagkatao hindi ko maintindihan. bakit ba ganto. eto talaga ang pinakaayaw kong pakiramdam sa lahat. ako lang ba nakakafeel nito. nafeefeel mo ba? kausapin mo naman ako oh. magbigay ka ng kahit na maiksing words of encouragement. malapit na kasi ako magmental breakdown eh. nararamdaman ko lang. ayoko ng drama at ayokong magmukhang tanga. pero nararamdaman ko to. at nakakainis. sobra!

No comments: