Thursday, May 8, 2008

it hurts to see a friend cry :(

unang kita ko pa lang sa kanya kaninang umaga, alam ko nang may mali sa kanya. tinitignan ko siya sa kinauupuan niya. malungkot, tulala at para bang gustong gusto na niang umiyak. hindi ako nakatiis at tinanong ko siya anong problema. at nung kumakain na nga kami sinabi niya kung anong problema. grabe! yun lang ang masasabi ko! sa mga oras na nahihirapan at nasasaktan siya, hindi ko man lang alam. ang isang joke na inaasar ko sa kanila totoo pala. sorry hindi ko alam. pero sana nalaman ko na lang para nadamayan kita at naipagtanggol pa. isa lang ang nakita ko sa kanya, she loves deeply. sobrang tindi ng pagmamahal na iyon kaya natiis nia lahat ng mga nangyari. saludo ako sayo! at kung binabasa mo man to, sana wag mo na siyang isipin dahil hindi mo dapat pinagaaksayahan ng oras ang mga ganong tao. nandito ako, nandito kami, mahal ka namin. sana kapag nakita kitang muli, hindi na namumugto ang mga mata mo at nakakatawa ka na ulit. :)

No comments: