Sunday, March 22, 2009

My Last Dance

Two years ago, naaalala ko pa MSC launched its talent clash showdown were they produced competitions for talented students of CEU Makati. Sobrang nadown ako at nagsisi kasi hindi ako aware na magkakaroon ng ganun. Nakita ko na lang when i arrived at school from our community immersion may nakapost na sa bulletin board at ang deadline of registration ay expired na. Sobrang lungkot ko talaga nun. Lalo na nung dumating yung MSC Day at nakita ko yung mga dati kong kasma sa dance troupe na nag-join sa dance competition at sila pa nagchampion. Sabi ko na lang, may next year pa naman eh.

Dumating na yung year na yun, ganun parin at mas lumala. Lalo pa kaming naging busy with school works. Nakakaasar, walang time magpraktice at bumuo ng group. Dumating na naman yung araw ng competition, sa katunayan hindi ako nakanood kasi nga busy eh nasa delivery room ata ako nung mga panahon na yon at nagpapaanak. :c sana kahit makanood na lang eh noh. at yun na naman dating ka-troupe ko ang nanalo ulit. Talagang sinabi ko sa sarili ko dapat talaga next year makasali na ako, it will be my last chance so dapat talaga sumali ako.

Last year, August pa lang plinaplano ko na. nahirapan talaga ako makahanp ng members kasi yung iba hindi pwede, walang pera, hindi pinayagan, masyadong busy at iba naman hindi qualified haha jk lang. Pagdating ng end ng september bago magsem break buti na lang nabuo narin namin ang grupo. Pagkasimulang simula ng sembreak, nagpraktis na kami agad. nagprepare kami talaga, nagpagod, nagpawis, gumastos, tumulo ang dugo ay di pala may period lang pala haha eeewwwee. Basta naglagay kami ng effort ng bongang baonggang effort. Sa loob ng mga araw na iyon, maraming problema kaming hinarap haha. Ang schedule ng aming curriculum versus sa schedule ng msc. OH no! Immersion ata namin sa eliminations. Pero buti na lang napakiusapan at na-move. habang ngaprapraktis hindi maiiwasan ang mga hindi pagkakasunduan diba. Haha nakakatawa, mag-aaway kami tapos sa praktis parang walang nagyari basta sayaw nagkakaisa kami. :D At dahil jan naging finalist kami, kalaban ang mga dati naming kasamang sumasayaw.

At dumating na nga yung 2009. Unang balita kasi 2nd week daw ng january ang finals pero hindi naman tapos naging february tapos naging march tapos iyun march na talaga. sa monday na nga eh. at hindi ako makapinawala bukas ay march 23 na, monday na, finals na, battle na! Hayy sa wakas natupad narin ang pinangarap ko 2 years ago. Hindi ko naman inisip na mananalo kami dati, basta gusto ko lang makasayaw kasi gusto ko talaga magperform, pero ngayon xempre diba iba narin kapag mananalo diba.

Kaso lang sumasabay naman ang in-house review. kakainis. minsan na nga lang kami sumali masasabotahe pa ang mga susuporta samin. pero sana naman kahit na may review, makapunta parin sila, kasi iba talaga kapag andun sila eh. nung elimination konti na nga lang sila sana ngayon talaga andun sila. Di ko alam kung maeexcite ba ako o kakabahan. Sa totoo lang hindi ko siya masayaw ng perfect yung walang mali tulad ng mga sinasayaw ko dati hehe. Pero mamayang gabi promise magprapraktis ako para maperfect. Basta kapag absent ako bukas, masakit na naman ang katawan ko. :D

Salamat kay ida, cari, bang, jhoy, at jenny. Hindi naging madali. Sobrang nahirapan at madaming sinacrifice. Bahala na ang clearance natin kay mam locquiao basta makasayaw tayo. Di nga makakatulong sa board exam natin tong syaw pero diba kasi eto ang ating passion. Aside form nursing, dancing is our passion. Dancing is our otro lado. Kaya bukas ipapakita natin sa kanila kung anong meron tayo, ipapakita natin sa mga nang-away sa ating dancers kung anong kaibahan ng dance sa passion, kung pano mag-compete ang OTRO LADO. Good luck girls. before we top the board exam, let's conquer first the dance floor, our battlefield and bring home the bacon. GOD Bless BROL (Black Rose and Otro Lado)

No comments: