Nakakatuwa naman. :D Kahit na we didn't win madami paring papuri na sobrang nakakataba ng puso. :D Thank you sa lahat ng mga sumuporta at naniwalang kaya namin. Alam ko sa sarili ko, kung perfect lang sana yung last 2 8 steps may place sana kami. lahat kami nagkamali sa part na yun, oo kahit ako. :D Pero kahit na palpak yung ending ang ganda ganda parin talaga. di lang mapost ang video kasi naman hehe si bang kasi makikilaptop pa. :D pero ang lungkot kapag binigay mo yung best mo tapos sinayaw mo na parang last dance na talga ng buhay mo tapos wala parin. 2 days ko kayang dinamdam yun. little by little ko siyang natanggap nun pinanood ko ng paulit-ulit yung video. at dun ko narealize kung bakit nga kami hindi nanalo. pero kung tutuusin may ibubuga talaga yung routine. 2 choreo ba naman yun eh. basta maganda xa, palpak lang talaga yung dulo pero yung walang muwang sa sayaw di naman nahalata hehe. Tska tama si MEth ng Fusion, hindi kasi dancers yung judges hindi nila alam ang mga techniques na ginawa namin. Solid talga yung 6 steps namin!
Kasama ang aking mahal na kaibigan nag-isip kami ng mga pampalubag-loob:
1. Eh ano kung talo, mabango naman. (Patama sa tooooot)
2. Masama lang kasi ang pakiramdam ni Bang. :D
3. Di kasi pantay-pantay yung flooring kaya ang hirap gumalaw.
4. Ang otro lado ang tunay na bida, natatalo sa simula pero bumabangon parin.
5. Sa grad ball sa amin ang huling halakhak.
6. Wala ngang place, magaganda naman ang face.
7. Di lang kasi inanounce ang 4th place kaya wala kami.
8. AT least, nakita parin ang aming galing at ganda.
9. Niyakap kami ni Ulitin ng mahigpit.
10. Nakakapagod lang talaga yung routine namin madaming steps na magaGANDA.
Eh ano kung dancer ka, OTRO LADO ka ba?! :D
No comments:
Post a Comment